64-anyos na lola, nagtapos ng elementarya sa bilangguan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

64-anyos na lola, nagtapos ng elementarya sa bilangguan

64-anyos na lola, nagtapos ng elementarya sa bilangguan

ABS-CBN News

Clipboard

Todo-pasasalamat si lola dahil kahit na siya ay nakakulong, nabigyan pa rin siya ng tiyansa ng BJMP na makapagtapos ng pag-aaral. Screenshot

Larawan ng kagalakan habang nagmamartsa sa loob ng Metro Bacolod District Jail Female Dormitory ang 64-anyos na lola matapos nitong magtapos ng elementarya sa tulong ng alternative learning system (ALS).

Todo-pasasalamat si lola dahil kahit nakakulong siya dahil sa kasong selling and possession of illegal drugs, nabigyan pa rin siya ng pagkakataon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na makapagtapos ng pag-aaral.

Grade 2 lang umano ang inabot ni lola dahil bata pa lang ay pinagtrabaho na siya ng kaniyang ina sa tubuhan. Maaga namang namatay ang kanyang ama.

Marami na aniyang apo si lola, kaya paalala nito sa mga estudyante na mag-aral nang mabuti.

Plano na rin ng lola na magtapos ng high school kaya nag-enrol na siya ngayong taon.

Isa lamang si lola sa mahigit 20 persons deprived of liberty (DPL) sa district jail na nakapagtapos sa ilalim ng ALS program.

ADVERTISEMENT


—Ulat ni Barbara Mijares, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.