ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa araw ng SONA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa araw ng SONA

ABS-CBN News
Published Jul 19, 2017 09:43 PM PHT
|
Updated Jul 22, 2017 03:00 PM PHT

Nagtakda na ng mga alternatibong ruta ang pulisya para sa gaganaping State of the Nation Address ng Pangulo sa Lunes, lalo't inaasahan ang pagpoprotesta ng mga militanteng grupo sa Batasang Pambansa at may isasara ring mga kalye para sa mga mambabatas at iba pang bisita.

Magmamartsa ang tinatayang nasa 10,000 militante mula Commonwealth Avenue hanggang Batasang Pambansa pagsapit ng ala-una ng hapon ng Lunes.

Mas maluwag ang magiging latag ng seguridad sa kanila ngayong taon, at papayagan din silang makalapit sa gate ng Batasan.

Mahigit 6,000 pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office para magbigay ng seguridad sa SONA ng Pangulo, ngunit wala silang dalang baril, truncheon, at batuta.

Ayon sa NCRPO, naging maayos ang pag-uusap nila ng mga magkikilos-protesta upang walang magkasakitan.

"Pinagbigyan naman natin ang hiling ng mga raliyista. It's their right to protest," ayon sa hepe ng NCRPO na si Oscar Albayalde.

Bibigyan sila ng espasyo malapit sa Batasang Pambansa. May inilaan ding lugar para sa mga taga-suporta ng Pangulo.

Ayon naman sa Quezon City Police District, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko, partikular na sa Commonwealth Avenue, LITEX, at Batasan complex.

Maaaring gumamit ng mga alternatibong ruta.

Sa mga pa-northbound, maaaring kumanan sa Congressional Avenue, pumasok sa Mindanao Avenue, kumanan sa Old Sauyo Road bago muling lumabas sa Commonwealth.

Kung galing sa Quezon Avenue, puwede ring dumaan papasok ng North Avenue, diretso sa Mindanao Avenue, at lumabas sa Commonwealth paglampas ng Fairlane Street.

Sa mga pa-southbound naman galing ng Commonwealth, maaaring kumanan sa Fairlane Street, kumanan sa Dahlia, lumabas sa Old Sauyo Road, bago pumasok sa Mindanao Avenue at lumabas na sa EDSA.

Isasara rin ang ilang bahagi ng IBP Road simula alas-12 ng tanghali, dahil dito daraan ang mga mambabatas, VIP, at iba pang bisita. -- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Read More:
TV Patrol
Raffy Santos
PatrolPH
Tagalog News
Batasan
Commonwealth
trapiko
Pasada
pasahero
Quezon City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT