Hotel tinupok ng apoy sa Cagayan de Oro

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 05:22 AM

Tinupok ng apoy na umabot sa Task Force Alpha ang isang 5-palapag na hotel sa Cogon Area, Cagayan de Oro, Huwebes bandang 11:00 ng gabi Huwebes.

Ilang establisiyimento ang nadamay sa sunog.

Kuwento ng guwardiya na si Abdul Asis, nagsimula ang sunog sa isang grocery store kung saan may inaayos na air conditioning unit sa unang palapag ng gusali.

Dahil sa kapal ng usok, kinailangan magdala ng mga bumbero ng oxygen tank at gumamit din sila ng "man lift" upang mapatay ang apoy sa rooftop ng gusali.

Dalawang kuwarto lamang ang okupado ng mga bisita at napalabas nila ito.

Inaalam pa din ng mga bumbero ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging danyos nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.