Mga mag-aaral sa Isabela, wala pa ring libro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga mag-aaral sa Isabela, wala pa ring libro

Mga mag-aaral sa Isabela, wala pa ring libro

Danielle Rebollos,

ABS-CBN News

Clipboard

ISABELA - Ilang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Isabela ang wala pa ring mga libro, ilang linggo matapos magsimula ang klase.

Ilang mga guro ang nahihirapan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa isang paaralan sa Santiago City sa Isabela. Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang mga libro para sa mga mag-aaral sa Grade 3.

Nagkaproblema sa mga libro sa Araling Panlipunan dahil mali ang naipadala ng Department of Education (DepEd). Sa halip na pang-Rehiyon II ang libro, mga libro para sa Rehiyon IV-B ang naipadala sa kanila.

Ayon kay Dante Domingo, property custodian ng South Cluster, hanggang ngayon, hindi pa rin tumutugon ang courier o pinagpadalhan ng libro. Hindi rin umano nila alam kung saang panig ng bansa napunta ang librong Araling Panlipunan na para sa mga taga-Isabela.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma rin ni Domingo na hanggang ngayon, wala pa ni isang libro na dumating para sa mga mag-aaral sa Grade 5.

Umaasa ang mga guro at estudyante na matutugunan sa lalong madaling panahon ang kanilang problema.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.