Dating pulis-Palawan, timbog sa buy-bust | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating pulis-Palawan, timbog sa buy-bust

Diana Lat,
ABS-CBN News
Published Jul 05, 2018 05:02 PM PHT

Timbog ang isang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Palawan Provincial Police Office at Taytay Municipal Police Station Martes sa Sitio Binyangang, Barangay Sandoval, Taytay, Palawan.

Kinilala ang nahuli na si Erwin Navarro Gan, 40 taong gulang at kabilang sa listahan ng mga high value target na may kaugnayan sa ilegal na droga.

“Siya po ay isang miyembro dati ng pulis. Siya po ay na-dismiss at ang kanyang pagka-dismiss ay dahil sa pagiging positibo niya sa ilegal na droga and ito ay isang grave misconduct kaya siya ay natanggal sa serbisyo,” ani Police Senior Inspector Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office.

Matapos na ma-dismiss noong Oktubre 2016, patuloy na binantayan si Gan. Binisita at pinaalalahanan pa ito noong Hunyo 1, 2018.

ADVERTISEMENT
Pero sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakumpiska mula kay Gan ang isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang P500 bill at dalawang P100 bills.

Isasailalim sa eksaminasyon ang nakumpiskang sachet mula kay Gan, habang nakatakda naman siyang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.