Gobyerno, may P2B tulong para sa modernisasyon ng jeep | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gobyerno, may P2B tulong para sa modernisasyon ng jeep

ABS-CBN News
Published Jul 03, 2017 06:49 PM PHT
|
Updated Jul 04, 2017 03:43 AM PHT

Mahigit P2 bilyon subsidiya para sa mga jeepney driver at operator ang aprubado na at maaari nang ipamahagi para sa modernisasyon ng mga jeep.

Natukoy na rin ang tatlong lugar kung saan uumpisahan ang planong modernisasyon.

Sa kabila ng mga ito, may hinaing pa rin ang ilang transport group na nagsagawa ng protesta umaga ng Lunes.

Nasa 250 units ng mga modernong jeep ang handa nang bigyan ng subsidiya para makaarangkada na ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng Department of Transportation (DoTr).

Inaprubahan na noong Linggo ng gabi ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of Finance (DOF) ang P2.2 bilyong pondo bilang ayuda sa mga jeepney driver at operator na apektado ng programa.

Ilan lamang sa mga unang makatatanggap ng tulong pinansiyal ay ang mga kooperatiba sa mga lugar kung saan unang ipatutupad ang programa. Ito ang Senate-PICC area, Taguig-Pasig, at Pateros-Fort Bonifacion.

Nasa P80,000 kada unit ang naibigay na sa mga kooperatiba sa mga lugar na ito.

Sa unang bugso ng programa, maaaring makapag-loan ang driver o operator ng mula P1.2 hanggang P1.6 milyon, depende sa standard ng jeep na maaaprubahan. Nasa P80,000 ang sagot ng gobyerno. Maaari namang bayaran ang natitira pang halaga sa loob ng pitong taon.

Inihahanda na rin ngayon ng DBM, DOF, at DoTr ang implementing rules and regulations hinggil sa subsidy at pautang.

Paano makatatanggap ng subsidiya?
Bago naman makatanggap ng subsidiya at makautang, kailangang kasama sa isang kooperatiba ang mga tsuper at single unit operators.

Kailangan ding maglabas ng plano para sa magiging ruta ng mga jeep ang lokal na pamahalaan. Kapag mayroon na ng planong ito ang mga LGU, saka lamang makapag-a-apply ang mga kooperatiba para sa subsidy.

Ayon sa DoTr, ito ang sagot sa reklamo ng ibang transport groups na nagsasabing hindi nila kayang bumili ng mga modernong unit.

DoTr, bukas sa hihinging taas-pasahe ng mga tsuper at operator
Maaari umanong humingi ng taas-pasahe ang mga jeepney driver at operator, lalo na't kailangan pang gumastos para sa pag-upgrade ng mga jeep. Bukas naman sa panukalang ito ang DoTr, ngunit hiling ng tanggapan na huwag muna silang maghinaing dahil maaari pang bumaba ang presyo ng jeepney.

Ayon kay DoTr Assistant Secretary Mark de Leon, huwag munang magreklamo ang mga transport group sa tinatayang halagang P1.2 milyon kada unit dahil kikilos din ang Department of Trade and Industry at ang Board of Investments para mabigyan ng mga insentibo ang mga manufacturer.

"Pag na-mass produce na nila 'yung kanilang unit, mas bababa pa 'yung presyo ng jeepney, and at the same time, additional employment din sa mga tao dahil madagdagan ng tap for the manufacturing, mga tao sa paktorya ng jeepney, magwe-welding so overall, it's for economic development ng ating bansa," ani de Leon.

Para naman sa grupong PISTON, kawawa lang ang mga maliliit o single unit na operators, gayon din ang mga pasahero.

"Huwag niyo nang asahan ang pamasahe at mananatili sa otso [pesos]. Matutulad ang jeepney sa MRT. Sirain, tumitirik, pero nagbabayad ka ng mahal," ayon kay George San Mateo ng PISTON.

Sinabi naman ni de Leon na bukas sila kung taas-pasahe.

"Open kami na mag-increase ng pamasahe. 'Yung LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board), pinag-aaralan na 'yung mga ganyang pag-increase ng pamasahe. Some people are willing to spend because of more reliable, safer public transportation. The increase of P2, siguro pagbibigyan naman tayo ng sambayanan niyan, basta makita natin na-develop natin, na-reform natin 'yung buong jeepney sector," ayon kay de Leon.

Harangan man, itutuloy pa rin ng DoTr ang modernisasyon.

Pagsapit ng 2018, inaasahang mahigit 28,000 na jeep na ang nagawang moderno sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

Sa Setyembre, aaprubahan na ang porma at standard ng bagong jeepney.

Hindi bibigyan ng prangkisa ang sinumang hindi sasali sa programa.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Doris Bigornia
TV Patrol
pasado
jeepney modernization program
DoTr
DoF
DBM
LTFRB
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT