'No weekend homework' policy ng DepEd, sakop ba ang private schools? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'No weekend homework' policy ng DepEd, sakop ba ang private schools?

'No weekend homework' policy ng DepEd, sakop ba ang private schools?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kamakailan ay nagkaroon ng suhestiyon ang ilang mga magulang na mapasama ang mga pribadong paaralan sa "no weekend homework policy" ng Department of Education (DepEd).

Inilabas ng DepEd ang isang direktiba noong 2010 na nagbabawal sa pagbibigay ng takdang-aralin tuwing weekend sa mga mag-aaral ng pampublikong elementarya.

4. Therefore, no homework/assignment shall be given during weekends for pupils to enjoy their childhood, and spend quality time with their parents without being burdened by the thought of doing lots of homework.

Ayon sa isang abogado, tanging mga pampublikong elementarya ang direktang sakop ng utos ng DepEd ngunit posible pa rin itong ipatupad ng mga private school kung nanaisin ng mga ito.

ADVERTISEMENT

"May kaniya-kaniya tayong curriculum, 'pag private kasi iba 'yong curriculum nila as compared sa public schools," ani Atty. Claire Castro.

"Binibigyan ng freedom ang private schools kung ano ang gagawin nila, kung paano nila ipapatupad ang pagtuturo sa kanilang mga estudyante, pero siyempre mas maganda kung ipapatupad din nila ito sa private schools," dagdag niya.

Anang DepEd, maganda ang naidudulot ng limitadong assignment sa mga mag-aaral.

"Kailangan kasi ng time for self-care ng bata. The education has to be holistic, so ibig sabihin 'yong time for personal development for bata is very important," ani DepEd Usec. Anne Seviila.

Ngunit hindi sang-ayon dito ang isang grupo ng mga pribadong paaralan.

Anila, mas importante pa rin na may ginagawang takdang-aralin ang mga mag-aaral tuwing weekend.

"Nasira na ng social media ang magandang image ng tablet education, cyber crime, cyber addiction, depression, lahat 'yan nangyayari kapag nasa bakasyon ang estudyante eh," ani Eleazardo Kasilag, pangulo ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.