Xian Gaza, sinentensiyahang makulong dahil sa mga tumalbog na tseke | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xian Gaza, sinentensiyahang makulong dahil sa mga tumalbog na tseke

Xian Gaza, sinentensiyahang makulong dahil sa mga tumalbog na tseke

ABS-CBN News

Clipboard

Hinatulang guilty si Xian Gaza ng Malabon Metropolitan Trial Court sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 (BP 22) o ang Bouncing Check law, batay sa post mismo ng akusado.

Sa ibinabang desisyon ng korte, pinatawan ng parusang anim na buwang pagkakakulong si Gaza para sa kada bilang o count ng paglabag.

Sabi ng post, mayroon siyang 11 counts of violation ng BP 22.

Pinagbabayad din si Gaza ng P2.18 milyon na kabuuang halaga ng mga tumalbog na tseke kabilang na ang 6% interes kada taon.

ADVERTISEMENT

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Gaza, sinabi niyang binasahan siya ng desisyon bandang alas-2 ng hapon Huwebes.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Melinda Cruz.

Ani Gaza, makikipag-ugnayan pa siya sa kaniyang abogado para sa mga susunod na hakbang.

Sa isang panayam sa DZMM noong Abril, sinabi ni Cruz na inutangan siya ng P2 milyon para pondohan ang isang coffee shop ni Gaza dahil umurong umano ang nauna nitong partner.

"Nag-invest po ako sa business and then nu'ng una po nakakapagbigay naman siya," ani Cruz.

ADVERTISEMENT

Sa kanilang kontrata ay tumayo si Cruz bilang "lender" ni Gaza at habang hindi pa niya nakukuha ang kabuuang halaga, binibigyan siya nito ng buwanang interes na P20,000.

Pinangakuan pa umano siya nito ng profit-sharing sakaling lumago ang negosyo.

Limang buwan lang aniya nakapagbayad ng interes si Gaza at matapos iyon ay hindi na ito mahagilap.

Kinausap ni Cruz ang mga magulang ni Gaza at tinangka pa umano nilang ayusin ang gusot sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang house and lot sa Bacoor, Cavite.

"Hindi nga nila in-expect na pati ako idadamay daw sa panloloko ng anak nila so binigyan po ako ng property na hindi naman sufficient enough dahil ang naging worth lang ng property is P700,000 pero sabi nila P3 million ang halaga," hinaing ng biktima.

ADVERTISEMENT

Maaalalang nag-viral si Gaza noong 2017 matapos umarkila ng billboard upang ayaing magkape ang aktes na si Erich Gonzales, na kalauna'y tumanggi sa imbitasyon.

Matapos iyon ay sunod-sunod na ang pagputok ng balita na umano'y isang "scammer" si Gaza na marami nang naloko.

Nito rin lang Abril, matapos ang isyu ukol sa mga kinakaharap na asunto, inaya ni Gaza si Myrtle Sarrosa sa isang movie date.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.