TINGNAN: 2 pawikan, nalambat sa Sorsogon

Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 10:32 AM

PILAR, Sorsogon - Dalawang olive ridley turtle na naipit sa lambat nga mga mangingisda ang itinurn-over sa Municipal Agriculture Office, Miyerkoles ng umaga. 

Tinatayang aabot sa 40-50 na kilo ang bawat isang pawikan.

Ayon sa mga awtoridad, papakawalan din sa karagatan ang mga pawikan ngayong araw.

Ito na ang ika-walo at ika-siyam na pawikan na naiturn-over sa lokal na pamahalaan ng bayan ngayong taon.

Isa ang olive ridley turtle sa mga uri ng pawikan na endangered na.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.