Mocha Uson, magkakaroon ng editor sa social media | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mocha Uson, magkakaroon ng editor sa social media

ABS-CBN News
Published Jun 28, 2017 06:53 PM PHT

Inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na magkakaroon na ng mga editor si PCOO Assistant Secretary Margaux 'Mocha' Uson.

Ayon kay Andanar, ang mga editor ang magbabantay ng mga inilalabas ni Mocha na artikulo at video sa social media na may kinalaman kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Si Mocha hindi na mahihiwalay yung persona nya sa 'socmed' eh... pero magkakaron na ng editors...para makita ‘yung content ng mga ilalabas niya,” ani Andanar.

Aminado si Andanar na marami ang nagtatanong kung paano marerendahan ang mga personal na post ni Mocha bilang empleyado ng gobyerno.

Suportado rin ni Andanar ang imbestigasyon na ginagawa ng Senado, kaugnay naman ng fake news.

Sabi ni Andanar, kailangang magkaroon ng malinaw na depinisyon kung ano ang peke at lehitimong balita.

“We should define again what news is, lahat ba ng sasabihin ng isang ordinaryong tao, for example, na may 50k followers, news na ba ‘yun? Or kailangang maging member ba ng isang organization para ang isang istorya maging news,” ayon kay Andanar.

Read More:
TV Patrol
Doris Bigornia
Mocha Uson
Presidential Communications Operations Office
Martin Andanar
Balita
Tagalog news
PatrolPH
PCOO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT