Alamin: 7,000 trabahong mapapasukan sa UK | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alamin: 7,000 trabahong mapapasukan sa UK

ABS-CBN News
Published Jun 21, 2017 05:59 PM PHT
|
Updated Jun 21, 2017 11:08 PM PHT

Mahigit 7,000 trabaho ang naghihintay ngayon para sa mga Pilipino sa bansang United Kingdom.

Ilan sa mga kailangan nila na may malalaking sweldo ang mga civil engineer, lineman, foreman at nurses.

Umaabot ng halos P137,000 kada buwan ang suweldo ng transmission lineman, P132,000 ang sa foreman, at mahigit P139,000 naman ang suweldo kapag civil engineer.

Ang driver, maaaring sumahod ng P92,000. Kailangan din ng mga nurse, caregiver, computer programmer, mga cook, bookkeeper, at cashier.

ADVERTISEMENT
Kaya nais subukan ni Julio Espinola na mangibang-bansa na lamang dahil hindi umano sapat ang P600 na kita kada araw bilang lineman at foreman.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), malaki ang bentahe ni Julio na may 10 taon nang work experience bilang lineman at foreman, dahil in-demand ngayon sa UK ang mga transmission lineman.

Ayon sa POEA, mas mabigat ang trabaho, mas malaki ang sUweldo sa UK.

Nasa P113,000 ang sahod para sa mga nurse habang P61,000 kada buwan ang sahod ng mga caregiver.

Kailangan din ng UK ang mga computer programmer na umaabot sa P62,000 ang sahod.

In-demand din ang mga cook na maaaring kumita ng P350 kada oras.

Nasa P286 naman kada oras ang maaaring kitain ng mga bookkeeper at cashier.

Sa kabuuan, 21,000 lahat ang mga highly skilled workers na kailangan ng United Kingdom.

Nasa 21,000 lahat ang mga highly skilled workers na kailangan ng UK at 9,000 dito para sa mga Pinoy.

Ayon sa POEA, napunan na ang 1,200 positions dito kaya may natitira pang 7,200 job openings para sa mga Pilipino.

Mas madali umano matanggap kung may matagal nang job experience at sumailalim ng mga training.

Dadaan sa mga recruitment agency ang lahat ng opening sa UK.

Payo ng POEA, para hindi maloko ng mga illegal recruiter, hanapin muna ang mga job opening sa kanilang website.

Dito makukuha lahat ng kailangang impormasyon kabilang na ang pangalan, address at contact information ng recruitment agency kung saan maaaring mag-apply.

“First world country siyempre, mahigpit sila sa qualification education experience trainings and seminars,” ani POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT