'Drug free home' stickers, idinidikit sa mga bahay sa Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Drug free home' stickers, idinidikit sa mga bahay sa Laguna

Noel Alamar,
DZMM
Published Jun 15, 2017 03:42 PM PHT

Mga bahay na cerified drug-free ang mga nakatira sa CALABARZON, minamarkahan ng PNP pic.twitter.com/FNoYnKNn1U
— Noel S. Alamar (@NoelAlamarDZMM) June 14, 2017

Sinimulan na ng PRO CALABARZON ang pagdidikit ng sticker sa mga bahay na mapapatunayang drug free ang mga nakatira sa buong rehiyon.

Ang proyekto na tinawag na Drug Free Home ay naglalayong ilayo ang pamayanan sa illegal drugs at himukin ang komunidad na makiisa sa kampanya ng Philippine National Police na iwasan ang paggamit nito.

Pinili ni PRO CALABARZON Regional Director Chief Superintendent Mao Aplasca na ilunsad ang proyekto sa Liliw, Laguna dahil certified drug free na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buong bayan kabilang na ang 33 barangay nito.

Sa ilalim ng programa, didikitan ng "drug free home" sticker ang mga bahay na mapapatunayang walang naninirahang drug dependent.

Sa pinakahuling validation ng PRO CALABARZON, may 2,690 affected barangay sa buong rehiyon at 746 o 27% na dito ay drug free certified na ng PDEA.

Bukod sa Liliw, certified drug free na rin ang mga bayan ng Cavinti, Luisiana at Magdalena sa Laguna; Alitagtag, Balete, Cuenca, Nasugbu, San Luis, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal at Talisay sa Batangas at General Luna, Macalelon, Pitogo, Plaridel, Quezon at Sampaloc sa Quezon.

Hinamon din ni Aplasca ang mga opisyal ng local government units na tulungan ang PNP na bantayan at panatilihin ang pagiging drug free ng kani-kanilang nasasakupan.