Pabahay para sa mga pulis, sundalo inokupa ng Kadamay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pabahay para sa mga pulis, sundalo inokupa ng Kadamay

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2018 09:01 AM PHT
|
Updated Jun 13, 2018 09:00 PM PHT

RODRIGUEZ, Rizal - (2nd UPDATE) Inokupa ng nasa 500 miyembro ng Kadamay urban poor group ang isang housing project para sa mga sundalo at pulis sa Barangay San Isidro sa bayan na ito, Miyerkoles.

Alas-5 ng madaling-araw dumating sa La Solidaridad Estate Homes 1-A ang mga militanteng lulan ng 5 jeep at ilang motorsiklo. Agad nilang napasok ang mga bakanteng pabahay na walang gate, ayon sa isang residente.

Kasama ng Kadamay ang mga miyembro ng Montalban Homeless Alliance (MHA).

Nanawagan ang MHA na ipagamit ang mga umano'y nakatiwangwang na bahay sa kanilang mga miyembrong nakatira sa kalapit na tambakan ng basura sa Montalban.

ADVERTISEMENT
“Isang taon na kaming mga homeless dito ay lumalapit sa NHA at sa LGU para makipag-diyalogo pero kahit ngayo’y may batas na para patirhan ang mga tiwangwang na pabahay na ito, wala silang tugon," sabi ni MHA spokesperson Lilybeth Gelit.

Iginiit ng grupo na wala silang residenteng sinaktan o inabuso. Hindi pa rin umano sila pumapasok sa mismong housing units at bagkus ay nakikipagdayalogo sa mga awtoridad.

Gayunman, makikita sa video ng DZMM ang ilang militante na inisa-isang puntahan ang mga bahay at pinasok ang mga nakita nilang bakante at walang pintuan.

Umangal naman ang ilang residente sa ginawa ng grupo.

Reklamo ng isang ginang, hindi na sila nakapasok sa trabaho at klase dahil sa barikada ng mga militante at natakot din ang ilang bata.

"Alam naman nilang may nakatira na... Kung gusto nila, doon sila sa NHA pumunta," dagdag ng isa pang residente.

Sinabi naman ni Supt. Pablito Naganag, hepe ng Rodriguez police, na maaaring nadestino sa Mindanao at ibang lugar ang mga pulis at sundalong may-ari ng ilang bahay.

Nananatili rin aniyang mapayapa ang sitwasyon sa lugar.

Maaari namang arestuhin at kasuhan ng trespassing ang sinumang papasok sa mga bahay, sabi ng isang pulis na nagpapatrol sa La Solidaridad Estate Homes.

Nitong nakaraang taon, inokupa rin ng grupo ang isang housing project para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan.

Inutusan kalaunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tropa na ibigay na lang ang mga pabahay sa Kadamay.

-- Ulat nina Jeff Hernaez at Dominic Almelor, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Kadamay
pabahay
NHA
National Housing Authority
Rodriguez
Rizal
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT