P3 milyong halaga ng baril at bala, kumpiskado sa anak ng konsehal sa Bukidnon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P3 milyong halaga ng baril at bala, kumpiskado sa anak ng konsehal sa Bukidnon

P3 milyong halaga ng baril at bala, kumpiskado sa anak ng konsehal sa Bukidnon

Greanne Mendoza,

ABS-CBN News

Clipboard

VALENCIA, Bukidnon - Arestado ang anak ng isang konsehal Biyernes matapos makumpiska sa bahay niya ang hindi dokumentadong mga baril at armas na aabot sa P3 milyon ang halaga.

Nakuha sa suspek na si Melvin "Edjong" Chan, anak ng konsehal na si Eduardo Chan, ang 20 matataas na kalibre ng baril, libu-libong bala ng M16 at M14 at iba pang armas na karaniwang ginagamit ng mga sniper.

Ayon sa Special Operating Unit-6 ng PNP Drug Enforcement Group, hinalughog nila ang bahay ni Chan dahil isa ito sa mga kilalang tulak ng droga dito sa siyudad.

Giit ni Chan, binili niya ang mga armas para sa sariling proteksyon, subalit hindi ito nakapaglabas ng mga dokumentong magpapatunay na lisensyado ang mga baril.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Capt. Joe Patrick Martinez ng 4th Infantry Division, ilan sa mga balang nakumpiska mula kay Chan ay hindi matatagpuan sa arsenal ng militar.

Nakapiit sa headquarters ng Valencia City Police si Chan habang patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman din siya sa pagsu-supply ng mga bala at baril sa mga terorista na naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.