P1.5-M halaga ng pera at alahas, ninakaw umano ng tagaluto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P1.5-M halaga ng pera at alahas, ninakaw umano ng tagaluto

P1.5-M halaga ng pera at alahas, ninakaw umano ng tagaluto

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 07, 2017 08:12 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Higit P1 milyon halaga ng pera at alahas ng isang pamilya sa Las Piñas City ang tinangay umano mula sa kanilang vault o kaha de yero ng bago nilang tagaluto nitong Martes.

Kuwento ng biktimang si alyas "Nanette", isang doktor, nauna nang nagnakaw sa kanilang bahay ang suspek na si Rachelle Cabe kahit dalawang linggo pa lang itong stay-in sa kanila.

Ayon sa biktima, binigyan pa nila ng pangalawang pagkakataon si Cabe, pero tuluyan nang nasira ang kanilang tiwala dahil sa panibagong insidente ng pagnanakaw.

Kuwento pa nito, day off ng kanilang tagaluto nang madiskubre niyang nawawala na ang kaha de yerong nasa tabi lang ng kama nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT

Laman aniya ng natangay na kaha de yero ang mga alahas, cash, tseke, passport, at mga mahalagang papales na aabot ang halaga sa P1.5 milyon.

Natangay rin ng suspek ang ilang relo na nakapatong sa dresser sa kuwarto ng mag-asawa na nakatira sa isang exclusive village sa Barangay Pilar.

Nakita pa umano ng caretaker ng katabing bahay ang suspek nang paalis ito sa bahay. Tinulungan pa nitong isakay sa tricycle ang vault dahil sinabihan siya nitong babasaging pinggan lang ang laman nito.

Nagsisisi naman sina Nanette dahil masyado umano silang nagtiwala at agad nilang tinanggap ang 25-anyos na babae nang walang ginagawang background check.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.