Agusan National Senior High School kulang sa guro, klase naantala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Agusan National Senior High School kulang sa guro, klase naantala

May Diez,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2017 03:12 PM PHT

BUTUAN CITY - Ilang klase sa Agusan National Senior High School sa Butuan City ang naantala dahil sa kakulangan sa mga guro.

Ayon kay Mario Orendain, assistant principal ng paaralan, kakaunting klase lamang ang nakapagsimula ngayong Lunes dahil sa kakulangan sa mga guro.

Tumaas umano ang bilang ng mga estudyante mula 300 hanggang 1,600, o 400 porsyento mula sa bilang ng mga estudyante noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Orendain, nangangailangan pa sila ng karagdagang 24 na guro para sa mga estudyante.
Dagdag pa ni Orendain, nangangailangan pa sila ng karagdagang 24 na guro para sa mga estudyante.
ADVERTISEMENT
Naglilibot ngayon sa iba't ibang senior high school sa lungsod ang mga opisyal ng Department of Education para siguruhing may sapat na bilang ng guro para sa mga estudyante.

Nakatakda sanang magsimula ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan ngayong araw.