PAGASA: Tag-ulan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PAGASA: Tag-ulan na

PAGASA: Tag-ulan na

ABS-CBN News

 | 

Updated May 31, 2017 12:39 AM PHT

Clipboard

Nagsimula na ang tag-ulan, pagdedeklara ng state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes.

Sa isang statement, sinabi ng PAGASA na ang naitalang buhos ng ulan nitong nakaraang limang araw ang indikasyon na nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan.

Makararanas ang Metro Manila at ang kanlurang bahagi ng bansa ng panaka-naka hanggang tuloy-tuloy na buhos ng ulan kaugnay ng southwest monsoon.

Maaari namang makaranas ng higit sa normal na pag-ulan sa susunod na dalawang buwan ng Hunyo at Hulyo.

ADVERTISEMENT

Inaasahang magiging mas maulan ang rainy season ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung kailan nakaranas ang bansa ng El Niño.

Maaring 19 hanggang 20 bagyo ang pumasok ngayong taon sa Philippine area of responsibility.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat ngayong tag-ulan.

Lagay ng panahon sa Miyerkoles

Malaking bahagi ng Mindanao ang uulanin dahil sa intertropical convergence zone.

Magdudulot ito ng paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan sa Bukidnon, Misamis Occidental, Cotabato, at Maguindanao. Mag-ingat sa posibleng pagbaha o landslides.

Sa Luzon naman, maulan pa rin bukas ng Miyerkoles sa Cagayan, Isabela, Baguio, at Zambales.

Maaraw at mainit naman sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw, ngunit may tiyansa ng ulan sa hapon.

-- Ulat ni Kim Atienza, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.