16 iba't ibang baril, kumpiskado sa Naga City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
16 iba't ibang baril, kumpiskado sa Naga City

Rona Nuñez,
ABS-CBN News
Published May 30, 2017 11:27 PM PHT

NAGA CITY – Labing-anim na iba't-ibang klase ng baril ang nakumpiska ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Camarines Sur sa isinagawang buy-bust operation Martes ng hapon sa Barangay San Felipe, Naga City.

Nakuha ang mga ito sa tindahan ni Alex del Ayre, 29 anyos, isang hindi lisensyadong gunsmith.

Apat sa mga nakuhang armas ang pakay ng operasyon: dalawang kalibre .38 at dalawa ring kalibre .45 na baril.

Ibinenta umano ni Ayre ang mga baril sa police asset sa halagang P24,000.

ADVERTISEMENT
“Nakita natin yung mga baril na ito na sabi ni Alex ay pinapagawa lang sa kanya. Wala naman siyang makitang mga papel at wala naman siyang lisensya kaya isinama natin siya sa confiscation,” ani Chief Inspector Ronnie Fabia, provincial officer ng CIDG-Camarines Sur.

Ayon kay Del Ayre, wala na siyang magagawa kundi harapin ang akusasyon laban sa kanya.

Kasamang nahuli ng mga pulis ang mismong nagsusuplay diumano ng mga baril na si Lino Agudia, 59 anyos, mula sa Negros Occidental.

Inamin nito na siya ang nagdadala kay Del Ayre ng mga armas, na galing pa umano sa Cebu.

Ayon kay Agudia, napilitan siya umanong magpuslit ng mga hindi lisensyadong baril dahil sa hirap ng buhay—umaabot umano sa P3,000 ang kanyang nakukuha sa kada isang kalibre .45 na baril.

Nasa P400 hanggang P500 naman umano ang delihensya niya sa kalibre .38 baril na naibebenta.

Haharap ang dalawa sa kasong paglabag ng Republic Act 10591, o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Dadalhin sa crime laboratory ang mga nakumpiskang baril para isailalim sa ballistic examination.