Wanted sa Korea: 5,000 factory workers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Wanted sa Korea: 5,000 factory workers

Wanted sa Korea: 5,000 factory workers

ABS-CBN News

 | 

Updated May 26, 2017 11:17 PM PHT

Clipboard

Higit 5,000 factory workers ang kailangan ng South Korea ngayong taon.

Nasa 5,400 Pinoy workers ang kailangan ngayon sa electronics, textile, chemical, at food processing factories sa South Korea. Aabot ang suweldo sa $1,200 o P59,000 kada buwan, ngunit maaari pa itong madagdagan, ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

"Pag masipag ka pa, aabutin ng P90,000. Ibig sabihin ko sa masipag, 'yung mga overtime," ayon kay Jocelyn Sanchez, ang deputy administrator ng POEA.

Walang placement fee dahil gobyerno sa gobyerno ang setup. POEA lang ang puwedeng magproseso ng lahat ng aplikante. Ibig sabihin, makasisigurong maayos ang employer.

ADVERTISEMENT

Upang mag-apply, kailangan lang mag-register sa employment permit system sa website ng POEA para maiskedyul ang isang skills test.

Hindi na kailangan pa ang job interview dahil online ang aplikasyon.

Kapag pumasa, kasama na sa listahan ng mga pagpipilian ng mga Korean employer.

Ilan sa mga tinitingnan ng emplyer kada aplikante ay ang score sa skills test at ang haba ng karanasan sa pagtatrabaho.

"Higher the score, mas priority ka i-hire. Sa pinag-aralan, kahit high school graduate. Sa experience, mabuti kung mahaba," ayon kay Sanchez.

Mayroon ding basic Korean language test na kailangang ipasa kaya kailangan ding dumaan sa isang language training bago mag-exam.

Kapag napili na ng employer, kanya-kanyang ayos ng visa at bili ng tiket sa eroplano.

Pero sa kalkulasyon ng POEA, hindi aabot ng P30,000 ang gagastusin ng isang bagong hire.

Taon-taon ang pangangailangan ng South Korea, kaya maganda raw na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang mga requirement.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

Sara Duterte dumulog sa SC para hamunin ang legalidad ng impeachment

Sara Duterte dumulog sa SC para hamunin ang legalidad ng impeachment

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naghain ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema para hamunin ang legalidad ng reklamong impeachment ng Kamara laban sa kanya at pigilan ang nakaambang paglilitis sa Senado. Nagpa-Patrol, Adrian Ayalin. TV Patrol, Miyerkules, 19 Pebrero 2025.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.