Sperm whale, natagpuang patay sa Zamboanga City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sperm whale, natagpuang patay sa Zamboanga City

RJ Rosalado,
ABS-CBN News
Published May 25, 2018 05:19 AM PHT

ZAMBOANGA CITY - Isang sperm whale na may habang halos 20 talampakan ang natagpuang patay sa karagatan ng Sacol Island, Zamboanga City Huwebes ng hapon.

Maraming sugat sa katawan ang balyena at nangangamoy na.

Ayon kay PO2 Winson Manible, sub-station commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Sangali, ni-report agad ng mga mangingisda ang nakita nilang patay na balyena.

Agad pinuntahan ng PCG ang sperm whale at hinila papunta sa fishing port ng Philippine Fisheries Development Authority sa Barangay Sangali.

Ayon naman kay Pedling Munap ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), maituturing pang isang baby sperm whale ang namatay na balyena.

Ang full grown sperm whale ay umaabot ang laki nang hanggang 50 o 60 talampakan, aniya.

Hindi na nagsagawa ng necropsy ang Zamboanga City Veterinarian’s Office para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng sperm whale.

Ayon kay Dr. Arnedo Agbayani, head ng Animal Health Division, nasa state of decomposition na ang balyena at hindi na puwedeng isagawa ang necropsy.

Inilibing ang balyena sa isang bakanteng lote ng PFDA fishing port.

Ayon kay Agbayani, maraming posibleng dahilan ng pagkamatay ng balyena.

Una ay dahil sa parasite infection kung saan nakakakain ang mga balyena ng mga maliliit na isda na may parasitic worm.

Pangalawa ay dahil sa polusyon at mga plastic na nagiging banta sa kalusugan ng mga balyena.