BFAR: Bawal ang 'taklobo hunting' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BFAR: Bawal ang 'taklobo hunting'
BFAR: Bawal ang 'taklobo hunting'
Paul Palacio,
ABS-CBN News
Published May 24, 2019 12:21 AM PHT

IGACOS - Nanindigan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Davao na bawal ang pangunguha ng taklobo o giant clam, maging sa kabundukan ng Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Ito'y bunsod ng malawakang taklobo hunting na nagaganap sa lungsod.

Ayon kay Atty. Rachel Bacera, legal officer ng BFAR-Davao, paglabag sa Fisheries Code of the Philippines ang pangunguha ng taklobo.

"Walang sinasabi kung buhay o patay, kung makikita natin ito sa bundok o di kaya sa tubig ibig sabihin if fossilized na siya," aniya.

"Nakikita natin inadvertently sa bundok kabilang pa rin siya sa probisyon kasama na iyong parte at deribatibo na makikita kabilang pa rin yan sa prohibition."

Napag-alaman ng BFAR na ibinebenta umano ang mga taklobo sa halagang P5,000, at ginagawa ring alahas tulad ng perlas at ingredients sa paggawa ng mga cosmetic products.

Pero nanindigan ang ibang residente na hindi nila alam na bawal ang kanilang ginagawa at hindi rin nila ito kinuha sa dagat bagkus tinitibag pa nila ito sa mga limestone.