Ilang residente ng Samal, nahumaling sa ilegal na 'taklobo hunting' | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang residente ng Samal, nahumaling sa ilegal na 'taklobo hunting'

Ilang residente ng Samal, nahumaling sa ilegal na 'taklobo hunting'

Paul Palacio,

ABS-CBN News

Clipboard

Mahigit 40 toneladang taklobo ang nasabat ng mga awtoridad sa Samal nitong Martes pero nakatakas umano ang mga nagpuslit nito. ABS-CBN News

Nahumaling sa paghahanap ng taklobo o giant clam ang ilang residente ng Barangay Balet, Island Garden City of Samal (IGACOS) matapos malamang may gusto umanong bumili nito.

Isa rito si Alejandro Candole, 70, na nagpapawis gamit ang maso at bara para matibag ang limestone kung saan may nakabaon na malaking taklobo.

Ayon kay Candole nagka-interes lang siya na kunin ito dahil sa naririnig niya na istorya na may bibili daw sa taklobo.

"Hindi ko ito ginalaw nong may nakapagsabi na may bibili inumpisahan ko nang hukayin at ipagpatuloy ko lang ito dahil may buyer daw," aniya.

ADVERTISEMENT

Pero ang senior citizen na si Leoncia Latica ay itinago pa sa loob ng bahay ang naipon nila na taklobo sa kanilang isinagawang taklobo hunting kasama ang mga anak.

Ayon kay Latica, may lumapit sa kanya na ahente at sinabihan siya na magparami ng taklobo dahil bibilhin umano ito sa kanila ng tig P5,000 bawat kilo.

"Ang sabi ng ahente na tiya titimbangin natin ang taklobo at may susunod na buyer at tatawag lang kung anong araw pupunta, nagtanong ako kung magkano ang kilo sabi niya P5,000," aniya.

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Davao na paglabag sa Fisheries Code ang pagpupuslit ng taklobo at may kaukulan itong parusa na hanggang 8 taong pagkabilanggo.

Mahigit 40 toneladang taklobo ang nasabat ng mga awtoridad nitong Martes sa Igacos pero nakatakas umano ang mga nagpuslit nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.