130 bahay, apektado sa magkasunod na sunog sa Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
130 bahay, apektado sa magkasunod na sunog sa Cebu

ABS-CBN News
Published May 21, 2017 10:05 AM PHT
|
Updated May 21, 2017 08:04 PM PHT

MANILA - Higit 130 bahay ang natupok nang sumiklab ang 2 magkasunod na sunog sa Cebu ng madaliang araw ng Linggo.

Nasa 30 bahay ang natupok sa unang sunog na naitala sa Barangay Labangon, Cebu City pasado ala-1 ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon ng Cebu City fire station, nagmula ang sunog sa inuupahang kwarto ng isang mag-asawang kapwa bulag.

Kuwento ng boardmates ng mag-asawa, nakarinig sila ng pagbagsak ng isang bagay bago makaamoy ng usok at sumiklab ang malaking sunog.

Hindi pa namamataan ang mag-asawa matapos ang insidente kaya inaalam ng mga awtoridad kung na-trap sila sa nasunog na bahay.

Aabot sa P200,000 ang pinsalang idinulot ng sunog.

Samantala, alas-2:45 naman ng madaling araw kumalat ang ikalawang sunog sa nasa 100 bahay sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.

Nagsimula ang apoy sa napabayaang kandila sa bahay ng isang Francisca Nacional, ayon kay fire investigator Climaco Salicid.

Nagtamo ng minor injuries si Nacional at 3 pang indibidwal.

Dakong alas-7:30 ng umaga naapula ang sunog na nag-iwan ng P800,000 halaga ng pinsala.

Pansamantalang nanunuluyan sa Pusok National High School ang mga nasunugan.

-- May mga ulat nina Leleth Rumaguera at Romayne Danielle Polavieja, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
TV Patrol
TV Patrol Weekend
Leleth Rumaguera
Romayne Danielle Polavieja Tagalog news
fire
regions
Cebu
sunog
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT