Bangkay ng lalaki, natagpuang nakalutang sa ilog sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng lalaki, natagpuang nakalutang sa ilog sa Iloilo

Bangkay ng lalaki, natagpuang nakalutang sa ilog sa Iloilo

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2018 02:03 PM PHT

Clipboard

Pinagtulungang iakyat ng dalawang lalaki ang bangkay na natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Jaro, Iloilo nitong Sabado, Mayo 19. ABS-CBN News

JARO, Iloilo City -- Natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Jaro, Iloilo City ang bangkay ng isang lalaki bandang 8:30 ng umaga Sabado.

Isang residente ang nakakita sa bangkay, na agad naman niyang ipinagbigay-alam sa barangay na siyang tumawag sa pulis at punerarya.

Sa inisyal na pagsusuri, natuklasang malambot at duguan ang ulo ng lalaki kaya't suspetsa ng mga awtoridad ay posibleng pinukpok ito sa ulo bago itinapon sa ilog.

Titingnan pa kung isasailalim sa autopsy ang bangkay dahil sa nakitang sugat sa ulo nito.

ADVERTISEMENT

Hanggang ngayon ay wala pang pagkakakilalanlan ang lalaki.

--Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.