Bodega ng mga plastik na gamit sa Nueva Ecija, nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bodega ng mga plastik na gamit sa Nueva Ecija, nasunog

ABS-CBN News
Published May 17, 2018 05:43 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Nasunog ang isang bodega ng plasticware o mga gamit na plastic sa San Jose City, Nueva Ecija bandang alas-6 ng gabi nitong Miyerkoles, Mayo 16.

Inabot ng limang oras bago naapula ang sunog na ikinabulabog ng mga residente at namamasyal sa Central Business District ng San Jose City.

“Andun po 'yung mas malaking sunog sa likod 'yung sa bodega. Kumalat lang siya dito. Kaya wala tayong nagawa kung hindi i-save lang 'yung magkatabi, para mapigilan 'yung pagkalat ng apoy,” ani Fire Chief Inspector Roberto Miranda.

Alas-9 ng gabi nang ideklarang "under control" ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog, pero alas-11 ng gabi ay wala pa ring tigil ang mga bumbero sa pag-apula sa mga kahoy na may baga pa rin.

Magdamag nagbantay ang mga manggagawa sa harap ng kanilang pinapasukan.

Ang caretaker ng ginagawang bahay sa likod ng bodega ang isa sa mga unang nakapansin sa sunog.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi at lawak ng pinsalang iniwan ng sunog.

“Iyong warehouse siyempre mayroon din pong electrical connection. Gumagamit din po sila ng electrical appliances na kung saan isa 'yun sa maaaring pinagmulan pero under investigation pa naman,” ani Fire Inspector Dante Tavares.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

--Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT