37 sugatan sa pagtagilid ng jeep sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 07:16 PM

Sugatan ang 37 pasahero ng isang jeepney matapos pumutok ang gulong nito sa Bago City, Negros Occidental Miyerkoles. ABS-CBN News

BAGO CITY, Negros Occidental—Sugatan ang 37 katao matapos tumagilid ang isang jeepney sa Barangay Taloc sa lungsod na ito Miyerkoles.

Ayon sa isang pasahero na si Arlon Magsico, papunta sila ng Bacolod City galing Pulupandan nang marinig nilang pumutok ang gulong sa likuran ng jeepney.

Ayon sa driver na si Augusto Lacaden, sinubukan niyang mag-maniobra ngunit hindi ito gumana. Nag-panic umano ang ilan sa mga pasahero at sinubukang tumalon mula sa jeepney.

Dagdag niya, ang insurance company ng kaniyang jeepney ang sasagot sa pagpapagamot ng 37 pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.