TINGNAN: Tangkeng pandigma sa labas ng paaralan sa Cotabato | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Tangkeng pandigma sa labas ng paaralan sa Cotabato

TINGNAN: Tangkeng pandigma sa labas ng paaralan sa Cotabato

Arianne Apatan and Noel Elvena,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 14, 2018 12:47 PM PHT

Clipboard

PIKIT, North Cotabato -- Agaw-pansin ang 2 tangkeng pandigma na nasa labas ng Rajah Muda Elementary School kung saan bumoboto ang mga residente.

Isa ang Barangay Rajah Muda sa 11 barangay sa Pikit kung saan mga pulis ang nagsisilbing electoral board, kasunod ng pag-atras ng mga guro na magsisilbi sana sa halalan dahil sa isyu ng seguridad.

Sa gate ng paaralan, nakabantay ang mga sundalo para sa seguridad ng mga botante.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tig-20 botante lang ang pinapayagang makapasok sa paaralan para makaiwas sa siksikan.

ADVERTISEMENT

Sa kabuuan, may 108 pulis ang nagsisilbing electoral board sa Pikit.

Maliban sa mahigpit na paglalaban-laban ng mga kandidato, kilala rin ang lugar bilang isang Moro Islamic Liberation Front community. Nasa Barangay Rajah Muda ang isa sa pinakamalaking kampo ng MILF.

Mayroong 979,480 na mga botante sa 17 bayan at isang lungsod sa North Cotabato.

May 717,702 regular voters dito habang may 261,778 botante para sa Sangguniang Kabataan elections.

573 ang voting centers at 2,294 naman ang clustered precincts. 6,882 ang magsisilbing electoral board.

Ayon sa PNP, 184 na mga barangay sa North Cotabato ang isinailalim sa areas of concern.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.