70 pamilya, nasunugan ng bahay; pabrika ng gulong, natupok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

70 pamilya, nasunugan ng bahay; pabrika ng gulong, natupok

70 pamilya, nasunugan ng bahay; pabrika ng gulong, natupok

Zhander Cayabyab at Kate Cunanan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasunugan ang 70 pamilya sa Baseco Compound sa Tondo nitong hapon. Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit at yari sa kahoy ang mahigit 30 barong-barong na natupok.


Kuha ni Bayan Patroller Kevin Gierza Torreto

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Maynila, sumiklab ang sunog alas-dos ng hapon at idineklarang under control matapos ang halos isang oras.


Kinukuha ng mga nasunugan sa Baseco, Maynila ang mga gamit na posible pa nilang pakinabangan. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Ani Chief Insp. Marvin Carbonel, hepe ng operations ng Manila Fire Department, hinihinalang naiwang nakabukas na electrical appliance o nagliyab na electrical wiring ang sanhi ng apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Mananatili muna sa Baseco evacuation center ang mga nasunugan.

ADVERTISEMENT

Samantala, nagliyab din ang isang pabrika ng gulong sa Clark, Pampanga, Linggo ng hapon.

Ayon kay FO1 Adrian Aguilar ng Angeles City Fire Station, unang itinimbre sa kanila ang sunog sa Yokohama Tire Philippines, Inc. pasado alas-tres y medya ng hapon.

Ayon sa ilang trabahador ng pagawaan, nag-umpisa ang sunog sa warehouse ng pabrika na mabilis kumalat.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng pabrika kaugnay nitong sunog.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Kate Cunanan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.