Bayan sa Apayao inulan ng yelo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayan sa Apayao inulan ng yelo

Bayan sa Apayao inulan ng yelo

Marianne Claire Reyes,

ABS-CBN News

Clipboard

Halos matanggal na ang buong bubong ng isa sa mga napinsalang bahay sa bayan ng Conner, Apayao matapos umulan ng yelo na may kasamang malakas na hangin noong Mayo 8, 2018. Photo courtesy of Conner, Apayao MDRRMO

CONNER, Apayao - Ilang kabahayan ang nasira matapos umulan ng yelo sa ilang bahagi ng bayan noong Martes ng hapon.

Sinira ng hailstorm ang tatlong bahay mula sa mga barangay Malama, Caglayan at Ripang, at isa dito ay halos matanggal na ang bubong.

Tumagal ng kalahating oras ang pag-ulan ng yelo na sinamahan pa ng malakas na hangin.

“Medyo matagal at medyo mas malaki siya kumpara sa mga nahulog doon sa Atok at Bontoc,” sabi ni Ivy Carasi, public information officer ng Office of the Civil Defense ng Cordillera Administrative Region.

ADVERTISEMENT

Wala naman daw nasaktan sa mga residente.

Ayon sa PAGASA, dahil ito sa init ng temperatura sa Apayao.

“Sa Cordillera, bulubundukin. Ngayon, 'yung init na ito umaakyat sa atmosphere, nagfo-form ng clouds especially karamihan nung clouds tinatawag nating Cumulonimbus... Kung nahinog 'yun, mayroong mga formation ng hailstorm. Ngayon, doon maglalaglagan 'yan, magiging kasama ng ulan,” paliwanag naman ni weather observer Wilson Lucando.

Mayroon na ding naitalang kaso ng hailstorm noong mga nakaraang linggo sa Baguio, Mt. Province at Benguet, kung saan napinsala ang ilang pananim.

Pinapaalalahanan naman ang mga residente na tuwing may hailstorm ay mas mabuting huwag munang lumabas ng bahay dahil maaari itong makasakit lalo na kung malalaki ang tipak ng yelo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.