Lalaki sumuko, sinabing pinatay ang GF na OFW | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki sumuko, sinabing pinatay ang GF na OFW

Lalaki sumuko, sinabing pinatay ang GF na OFW

Ulat ni Mylce Mella,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumuko sa mga pulis ang lalaking pumatay at nag-iwan sa bangkay ng isang overseas Filipina worker sa motel sa Daet, Camarines Norte nitong Sabado.

Ayon sa 48 anyos na si Cesar Sullivan Jr., dinepensahan niya lang ang sarili mula sa tangkang pananaksak daw ng biktimang si Sarah Mae Cabatingan, 32-anyos.

Kuwento ng suspek, hindi raw matanggap ng biktima nang aminin ni Sullivan na may asawa’t anim na anak na siya. Sinubukan daw siyang saksakin ng biktima kaya nanlaban ang suspek at inagaw ang panaksak ng babae. Paulit-ulit niyang nasaksak si Cabatingan na ikinasawi ng biktima.

Base sa imbestigasyon, nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng Facebook. Tubong Davao del Sur si Cabatingan na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Gumamit naman ng ibang pangalan online ang suspek at nagpanggap ding army officer. Kalauna’y nagkamabutihan ang dalawa at inalok pa raw ng kasal ni Sullivan ang babae.

ADVERTISEMENT

Nitong Biyernes, nag-check-in sila sa motel. Kuwento ng tauhan ng motel, nagpa-extend daw sa kuwarto ang lalaki matapos ang dalawang oras. Kinabukasan, kinatok na raw nila ang kuwarto ng dalawa. Nang walang sumagot, pinasok na nila ito.

Una raw nilang napansin na nawawala ang kumot sa kama kaya hinanap daw muna iyon. Nagulat na lang sila nang makita sa ilalim ng kama ang bangkay ng biktima na binalot ng kumot.

Humihingi ng tawad si Sullivan sa naiwang pamilya ni Cabatingan pati na sa anak ng biktima na mag-isa niya pa namang itinataguyod.

Sinampahan na ng reklamong pagpatay si Sullivan na guwardiya ng isang pulitiko sa probinsiya.

Paalala ng pulisya, maging mas mapanuri sa mga taong nakikilala sa social media.

-- Ulat ni Jessa Mylce Mella, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.