BASAHIN: Mga biktima ng martial law na makatatanggap ng kompensasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BASAHIN: Mga biktima ng martial law na makatatanggap ng kompensasyon

ABS-CBN News
Published May 09, 2018 10:41 PM PHT

Inilabas na nitong Miyerkoles ang pinal na listahan ng mga biktima ng pang-aabuso noong martial law na makatatanggap ng kompensasyon matapos ang mahabang pagsusuri ng Human Rights Victims' Claims Board (HRVCB).
Taong 2013 nang maipasa ang batas na kumikilala sa mga sakripisyo at kabayanihan ng mga biktima sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

“The state hereby acknowledges its moral and legal obligation to recognize and/or provide reparation to said victims and/or their families for the deaths, injuries, sufferings, deprivations and damages they suffered under the Marcos regime,” hango sa Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.

Galing ang pondo sa P10 bilyong halaga na nabawi ng gobyerno mula sa yamang kinulimbat ng pamilya Marcos.

Matapos ang mahabang proseso, higit sa 11,000 biktima ang makatatanggap ng kompensasyon, di hamak na maliit sa 75,749 na naghain ng claim.

Paliwanag ni Lina Sarmiento, pinuno ng board na bumusisi sa mga claim, ibinase ang pagkakaloob sa mga ebidensiyang isinumete sa kanila.

“Kahit nakakabagbag-damdamin ang kuwento ng affiant o ng claimant, kung walang ebidensiya ay wala kaming magagawa,” paliwanag ni Sarmiento.

Ayon pa kay Sarmiento, hindi naging madali ang pagbusisi sa bawat claim.

Problema rin aniya ang ilang mga kaanak na hindi magkasundo kung sino ang tatanggap para sa yumaong biktima.

Sa Sabado na magtatapos ang mandato ng HRVCB at pagsapit ng Sabado ay wala na silang opisina. Pagkatapos nito, wala nang claim na puwedeng maproseso.

Kaya ngayong araw, inilabas na nila ang buong listahan ng mga makatatanggap ng salapi mula sa board.

Idadaan ang matatanggap na pera sa Landbank accounts ng mga claimant.

Kabilang sa listahan sina Jose Maria Sison, founder ng Communist Party of the Philippines.

Nandoon din si Cabinet Secretary Leoncio Evasco, na dating pari at naging rebelde noong rehimeng Marcos.

Nasa listahan din si dating Commission on Human Rights chairwoman Etta Rosales.

Higit sa perang ipamamahagi, importante sa maraming biktima ang layon ng batas na ibalik ang kanilang dangal at dignidad na sapilitang inalis sa kanila sa ilalim ng batas militar ni Marcos.

--Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Human Rights Victims' Claims Board
HRVCB
Commission on Human Rights
martial law
batas militar
Marcos
Landbank
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT