Bigas, nagmahal ng P60-P100 kada sako | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bigas, nagmahal ng P60-P100 kada sako

Bigas, nagmahal ng P60-P100 kada sako

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2017 11:39 PM PHT

Clipboard

Napapa-'aray' ang ilang nagtitinda sa palengke dahil sa biglang pagsipa sa presyo ng kada kaban ng bigas na ibinabagsak sa kanila ng wholesaler.

Hanggang P100 ang itinaas sa presyo kada sako ng bigas kaya wala ring magawa ang mga nagtitinda kundi ipasa sa mamimili ang mas mahal na presyo.

Ayon sa Federation of Central Luzon Farmers Corp., tumaas ang presyo ng bigas na ibinabagsak sa ibang palengke dahil kontrolado raw ng mga big-time rice processor, miller, at importer ang presyo.

Mababa pa rin kasi ang buffer stock ng National Food Authority o ang kanilang imbak na bigas para matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan.

Sabi ng NFA, wala pa silang na-monitor na malaking pagtaas sa presyo sa wholesale. Piso rin lang daw kada kilo ang itinaas naman sa retail o tingi. Marami pa rin daw bigas sa merkado.

ADVERTISEMENT

Pero hiniling nilang payagan silang mag-angkat ng 250 metric tons na bigas mula sa Vietnam at Thailand. Wala na kasing 15 araw ang kanilang buffer stock. Ibig sabihin, hindi sila makakapaglabas ng sapat na bigas sa palengke para bumaba ang presyo sa tag-ulan kung kailang wala nang bagong aning palay.

Ayon naman kay Agriculture Sec. Manny Piñol, naabisuhan niya si Pangulong Duterte na puwede nang mag-angkat ng bigas ngayong tapos na ang anihan sa Pilipinas.

Matatandaang ipinatigil kamakailan ni Duterte ang pag-angkat ng bigas dahil kakumpetensiya pa raw ito ng lokal na bigas. Sinipa niya rin noon sa puwesto si Undesecretary Maia Chiara Halmen Reina Valdez dahil sa umano’y pagkontra nito sa mandato noon ng NFA na suspindihin muna ang pag-angkat ng bigas dahil panahon pa ng anihan.

-- Ulat ni Carolyn Bonquin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.