PH Red Cross, ibinida ang bagong humanitarian vessel | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PH Red Cross, ibinida ang bagong humanitarian vessel

PH Red Cross, ibinida ang bagong humanitarian vessel

Jerome Lantin,

ABS-CBN News

Clipboard

M/V Amazing Grace. Photo courtesy of Philippine Red Cross Facebook page

MANILA- Ibinida ni Philippine Red Cross Chairman, Sen. Richard Gordon ang bagong barko ng organisasyon sa opisina ng Philippine Navy, sa Roxas Boulevard nitong Lunes ng umaga.

Ang barko na pinangalanang M/V Amazing Grace ay wala umanong katulad sa bansa, na siyang pinakamalaki at pinaka-modernong humanitarian vessel.

Taong 2010 sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Barack Obama ng Estados Unidos nang mabuo ang protoype na vessel, sa halagang $85 milyon na gagamitin sana sa pagbiyahe ng mga tanke at sundalo.

Ngunit hindi ito nagamit ng Amerika at ipinarada lang sa Alaska.

ADVERTISEMENT

Nabili ito ng PRC sa halagang $1.7 milyon at gumastos naman ng $4 milyon para dalhin ito sa bansa.

Ayon kay Gordon, malaking tulong ang barko, lalo't madalas tamaan ng bagyo at kalamidad ang bansa.

Maaaring gamitin ang vessel para sa rapid transport, relief operations, command post, humanitarian education, hospital ship, sea rescue at para logistics.

Nagpasalamat rin si Gordon sa patuloy na suporta ng lahat ng kanilang donors at volunteers.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.