Police asset, huli sa buy bust operation | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Police asset, huli sa buy bust operation

Police asset, huli sa buy bust operation

Francis Canlas,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo courtesy of CPDEU-GSCPO

GENERAL SANTOS CITY- Masama ang loob ni Geraldo Perio dahil sa kabila umano ng mga ibinigay niyang impormasyon sa City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ng General Santos City Police Office (GSCPO), hinuli pa rin siya ng mga pulis.

Natiklo si Perio sa buy bust operation sa Yu Village, Barangay Apopong, alas-11:30 ng gabi nitong Huwebes.

“Yung binigay ko kasi, negative kasi yun. Wala sya dun. Pero ibinigay ko yung contact sa kanila. Kaya sila na ang pina-transaksyon ko. Isa pa lang yun kasi baguhan pa ako dito. Hindi ko alam na ganito pala dito. Inipit nila ako, ako tuloy ang kawawa,” sabi ni Perio.

Damay pa ang pinsan nyang driver na si Noel Cerillo na ni minsan daw ay hindi umano nasangkot sa iligal na droga.

ADVERTISEMENT

“Kaya nga malakas ang loob kong humarap kasi wala akong ginawa,” ayon naman kay Cerillo.

Giit ng dalawa, planted ang walong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,500 at P500 marked money na nasamsam ng mga pulis sa kanilang dalawa.

Ayon sa hepe ng CPDEU na si Police Senior Inspector Oliver Pauya, si Perio ang mismong nagboluntaryong lumapit para magbigay ng tip sa kanila kaya pinagbigyan nilang maging asset.

Pero nagsimulang magduda ang mga pulis nang nag-negatibo ang mga impormasyong ibinigay ni Perio at pumalpak ang ilang operasyon ng grupo.

“Yung pinakamalaking target din natin dito, sunog lahat. Actually mini-mislead nya pa tayo. Hindi nya alam na kina-counter din natin. Even doon sa sinasabi nya sa Polomolok, nung pina-counter natin, walang nakatira doon,” sabi ni Pauya.

Doon na nabisto na tinimbrihan umano ni Perio ang target nilang drug suspects at aktibo rin umano itong nagbebenta ng iligal na droga kasama ang pinsan nito.

“Kaya nga pina-counter natin. Pina-check ko rin sa mga tao ko. At aside sa mga tao ko na pina-check ko, ginamitan ko ng dalawang asset ko kaya nakuha ko ang background nila,” paliwanag ni Pauya.

Simula noong nakaraang taon, si Perio na ang pang-apat na asset na nahuli ng mga pulis.

Nahaharap sila ngayon sa kasong selling at possession of dangerous drugs.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.