Lisensiyang 5 taon ang bisa, ibibigay na ng LTO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lisensiyang 5 taon ang bisa, ibibigay na ng LTO

ABS-CBN News
Published May 04, 2017 10:55 PM PHT

Simula Agosto, posibleng mai-issue na ang driver's license na may limang taong bisa.

Ayon kay Land Transportation Office chief Ed Galvante, nitong nakaraang taon nagsimulang mag-renew ang LTO ng driver's license na may limang taong bisa. Pero tanging resibo pa lang ang ibinibigay dahil sa pagkaantala ng supply ng plastic card.

Suportado rin ni Galvante ang pagtatatag ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Drivers' Academy na magsisimula na ngayong buwan.

Sa Drivers' Academy, kailangang pumasok sa isa o dalawang araw na klase ang mga driver ng public utility vehicles. Pag-aaralan nila ang mga batas trapiko, polisiya ng LTFRB, pati ang mga paraan para maiwasan ang road rage.

Kailangang sumailalim sa training pati ang mga driver ng Grab at Uber.

Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, magkakaroon sila ng exam at kapag pumasa ang driver, mabibigyan siya ng ID card.

Ililista sa database ang mga nakapasa kaya maaaring i-check ng mga operator ang status ng kanilang driver.

-- May ulat mula kay Jekki Pascual, ABS-CBN news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT