Lacson sa 'palusot' ni Teo sa DOT ads: 'Lame' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lacson sa 'palusot' ni Teo sa DOT ads: 'Lame'

Lacson sa 'palusot' ni Teo sa DOT ads: 'Lame'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 03, 2018 11:54 PM PHT

Clipboard

Tinawag ni Senador Panfilo Lacson na "lame" o tila hindi pinag-isipan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo ang kaniyang paliwanag sa umano'y pagkakaloob ng P60 milyong halaga ng ads sa kaniyang mga kapatid.

Sinita ito kamakailan ng Commission on Audit (COA).

"In practical term, kung ikaw ang head of agency at maglalaan ka ng pera sa budget mo para sa advertisement, dapat interesado ka ring malaman [saan] ang paglalagyan nito...Sa akin mukhang lame 'yung sabihin mong hindi mo alam, parang ang hirap paniwalaan," ani Lacson.

Nauna nang sinabi ng kalihim na ang kasunduan na kaniyang pinasok para sa ads ay sa pagitan ng DOT at ng PTV, at wala na siyang kinalaman na sa "Kilos Pronto" ito ipinalabas.

ADVERTISEMENT

Ngunit matapos ang ilang araw, pinasinungalingan ito ng COA at sinabing ang DOT mismo ang nag-isip kung saan nila nais ipalabas ang ads, at hindi ang PTV.

"Although sinasasabi niyang hindi niya alam at wala siyang pakialam kung doon pala napunta iyon, but you know in the long term makikita mo something is not really appropriate," ani Lacson.

"Kaya nga mukang bene-belie ng COA ang claim na hindi niya alam dahil may mga pirmahan na nangyari," dagdag ng senador.

Samantala, tikom naman ang bibig ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos madawit sa kontrobersiya ng DOT-PTV4 ads.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, dapat ay hintayin na lamang ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng Palasyo.

ADVERTISEMENT

"I cannot comment in the issue. Naghihintay tayo sa resulta ng pag-aaral ng Malacañang. Mahirap naman na mag-comment kasi baka maapektuhan ang pag-aaral," aniya.

Depensa naman ni Dino Apolonio, general manager ng PTV, isa ang "Kilos Pronto" sa mga pinanonood sa istasyon kaya isinama ang programa sa paglalagyan ng ads.

"[It] is one of the most prominent programs of PTV. Hence it makes sense to include the program in the proposal. The proposal was approved by the client as reflected in the signed [agreement]," aniya.

Matatandaang iginiit din ni Ben Tulfo sa social media na walang conflict of interest sa nangyari.

--Ulat ni Ara Casas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.