Pari patay nang barilin pagkatapos ng misa sa Gattaran, Cagayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pari patay nang barilin pagkatapos ng misa sa Gattaran, Cagayan

Pari patay nang barilin pagkatapos ng misa sa Gattaran, Cagayan

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 29, 2018 05:14 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- (UPDATED) Patay ang isang pari matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin pagkatapos magmisa sa Gattaran, Cagayan, Linggo, pasado alas-8 ng umaga.

Dead on the spot ang biktima na si Fr. Mark Anthony Ventura, kura paroko ng San Isidro Labrador sa Barangay Maubo, matapos barilin ng salaring naka-helmet at naka-itim na jacket.

Ayon kay Chief Inspector Rodel Tabulog, hepe ng Gattaran police, katatapos lang magmisa ni Fr. Ventura sa isang gymnasium sa Barangay Piña Weste nang lapitan at barilin ito ng gunman.

Mabilis namang nakatakas ang salarin dahil may kasama itong nakamotorsiklo at nag-aabang malapit sa mismong lugar ng pamamaril.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Samantala, kinondena naman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang pamamaril kay Fr. Ventura na tinawag nilang isang "evil act."

Nananawagan ang CBCP sa mga awtoridad sa mabilis na pagkakaresolba ng kaso ng pinatay na pari, lalo't ang Simbahan ay nagdiriwang ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.

"We condemn this evil act!" sabi ng CBCP sa isang pahayag. "We make our appeal to the authorities to act swiftly in going after the perpetrators of this crime and to bring them to justice."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.