Babae sa ‘secret jail,' hiningan ng P50-K kapalit ng kalayaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae sa ‘secret jail,' hiningan ng P50-K kapalit ng kalayaan

Aleta Nieva Nishimori,
ABS-CBN News
Published Apr 28, 2017 05:34 PM PHT
|
Updated Apr 28, 2017 06:51 PM PHT

Pinatotohanan ng isang babaeng preso mula sa nabistong sikretong kulungan ng Manila Police District Station-1 ang ulat na pinapatubos ang mga nakakulong doon kapalit ng kanilang kalayaan.

Sa eksklusibong panayam ng DZMM kay alyas "Sweedy", sinabi niyang hiningan siya ng P50,000 ng isa umanong pulis matapos na mapagbintangang sangkot sa ilegal na droga.

Kwento ni Sweedy, alas-3 ng hapon noong Abril 23 nang puntahan siya ng mga pulis at halughugin ang kanilang bahay sa Vitas, Tondo dahil umano sa droga.

"Pumunta sila sa bahay. Pagkatapos tiningnan lahat ng gamit namin kung may droga. Wala naman silang nakita sa amin. Dinala na ako, isinakay ako sa motor nila, hindi ko sila kilala. Pagdating dito sa presinto 1 pinasukan namin maliit na kwarto,” kwento ni Sweedy.

Kahit pa walang nakitang ebidensiya laban sa kanya, isinama at ikinulong pa rin siya sa sikretong kulungan at hiningan umano ng P50-K kapalit ng kanyang kalayaan.

"I-inquest daw po kami kapag di kami makabayad. Hindi ko po kilala yun," banggit niya.

"Yung cellphone ko nasa kanila po. Pero di ko siya kilala, hindi ko na mahabol cellphone ko."

Makaraan ang 4 na araw na pagkakakulong, nailipat na sa regular na kulungan si Sweedy matapos na mabuking ng Commission on Human Rights ang nasabing sikretong kulungan.

Dagdag pa niya, mula sa 13 na babaeng preso na pawang idinawit sa ilegal na droga, 4 na lamang silang natitira matapos na ma inquest ang iba.

Samantala, handa naman si Sweedy na sumailalaim sa drug test at gumawa ng sinumpaang salaysay sa nangyari sa kanya.

"Talagang inosente po ako," sabi ni Sweedy na nagtitinda lamang ng mineral water at chichirya.