Higit 10 tao, ikinulong sa 'secret jail' sa Manila Police District | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 10 tao, ikinulong sa 'secret jail' sa Manila Police District

Raya Capulong,
DZMM
Published Apr 27, 2017 08:53 PM PHT
|
Updated Apr 29, 2017 11:37 AM PHT

(UPDATE 1) Nadiskubre ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang sikretong kulungan sa biglaang pag-inspeksyon nito sa Manila Police District Station 1 sa Tondo, Maynila, Huwebes.

Ayon kay Atty. Gilbert Boisner, director ng Investigations Office ng CHR, nakatanggap sila ng tip na mayroon umanong mga indibidwal na ikinukulong sa isang tagong kulungan at ipinapatubos sa kanilang mga kaanak sa halagang P40,000 hanggang P100,000 kapalit ng kanilang kalayaan.

Habang nag-iinspeksyon, nakarinig ng katok mula sa isang kabinet sa loob ng istasyon. Nang igalaw ang nasabing cabinet ay tumambad ang isang tagong pintuan, kung saan nakita ang nasa 11 indibidwal na nakakulong.

Tatlo pang indibidwal ang inabutang pinoproseso ng mga naka-duty na pulis.

ADVERTISEMENT
Ayon sa CHR, ilan sa mga nakita nilang paglabag ay hindi makatao ang pagkulong sa mga indibidwal dahil sikreto itong ikinulong.

Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon ng CHR na isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin isinasailalim sa inquest proceedings at hindi rin naka-blotter ang kaso ng mga indibidwal na ikinulong.

Nakakaranas rin umano ng pambubugbog ang mga nakakulong sa "secret jail."

Paliwanag naman ng mga pulis, siksikan na sa kulungan at doon muna nila ikinukulong pansamantala ang kanilang mga nahuhuli.

Itinanggi rin ni Supt. Robert Domingo, ang hepe ng MPD Station 1, ang alegasyon ng pagpapatubos at pambubugbog sa mga nakakulong.

Kasalukuyan nang dumaraan sa inquest proceedings ang mga nakakulong.

Ulat nina Raya Capulong, DZMM, at Fernando G. Sepe, Jr., ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT