Bahagi ng Roxas Blvd isasara sa May 5-6 para sa 'Worldwide Walk to Fight Poverty' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng Roxas Blvd isasara sa May 5-6 para sa 'Worldwide Walk to Fight Poverty'

Bahagi ng Roxas Blvd isasara sa May 5-6 para sa 'Worldwide Walk to Fight Poverty'

Jeff Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA- Isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard mula Mayo 5 hanggang Mayo 6 para sa "Worldwide Walk to Fight Poverty" ng Iglesia ni Cristo.

Sarado ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Luneta hanggang Buendia, simula alas-10 ng gabi ng Mayo 5 hanggang hatinggabi ng Mayo 6.

Inaabisuhan ang mga motoristang mangagaling sa Quezon City, MacArthur at Jones Bridge na dumiretso sa Taft Avenue.

Ang mga light vehicle naman na manggagaling sa Maynila ay maaaring kumaliwa sa A.Soriano Street sa San Juan, kumanan sa Magallanes at P. Burgos.

ADVERTISEMENT

Lahat naman ng mangagaling sa Ayala Bridge patungo sa Roxas Boulevard ay maaring kumaliwa sa Taft Avenue.

Sa mga mangagaling sa timog naman, maaaring dumaan sa FB Harrison, diretso sa Mabini Street, at kanan sa Quirino Avenue.

Ang mga dadaan sa west bound lane ng UN Avenue o Quirino Avenue ay maaaring dumaan sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcoa, inaasahang nasa 1 milyong katao ang makikiisa sa pagdiriwang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.