Umibig, nadawit sa 'Abu' rescue, nakulong | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Umibig, nadawit sa 'Abu' rescue, nakulong

ABS-CBN News
Published Apr 24, 2017 04:20 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2017 06:28 PM PHT

Babaing pulis, de-ranggo, 'nabihag' ng Sayyaf member

MAYNILA - 'Sleeping with the enemy.'
MAYNILA - 'Sleeping with the enemy.'
Ganito binansagan ng hepe ng Philippine National Police ang babaing opisyal ng pulisya na umano'y nagtangkang sumagip sa mga teroristang Abu Sayyaf sa Clarin, Bohol.

Si Superintendent Maria Christina Nobleza, deputy regional chief ng Davao Crime Laboratory, ay inaresto nitong Sabado nang lagpasan nito ang checkpoint sa barangay na pinaglabanan ng Abu Sayyaf at militar.

Kasamang naaresto ni Nobleza si Renierlo Dongon na nagmamaneho ng kanilang sasakyan nang mga panahong hinahabol ng militar ang ilang nakatakas na terorista sa Clarin.

ADVERTISEMENT
Lumalabas na kasintahan ni Nobleza si Dongon na nadiskubreng miyembro pala ng Abu Sayyaf at eksperto sa paggawa ng bomba.

"Mag-uyab sila, boyfriend-girlfriend. Hindi ko alam kung nag-live-in na sila pero they fell in love with each other... Pumipitik ang puso ng police superintendent sa Abu Sayyaf member," pagbubunyag ni PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa sa isang press briefing nitong Lunes.

Ayon kay Dela Rosa, si Nobleza na dating miyembro ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group, ay isang "Balik-Islam" convert.

"Ongoing pa ang investigation, but initially, this is what we have come up with: She's a balik-Islam and she's romantically involved or romantically linked with that ASG member na driver," ani Dela Rosa.

LOOK: Photo of Supt. Maria Christina Nobles, the female police officer suspected to be helping Abu Sayyaf members in Bohol. @ABSCBNNews pic.twitter.com/nbPrvgw27n
— Maan Macapagal (@maan_macapagal) April 24, 2017

Batay sa imbestigasyon ng PNP, planong sagipin ng magkasintahan ang isang alyas 'Asin', isang 17 anyos na bandidong sinasabing may dugong bughaw sa Basilan.

Narekober mula sa sasakyan ng dalawa ang mga pagkain, gamot, damit, cellphone na may baterya at SIM packs, diving gear at isang baril -- mga gamit na para umano sa sasagiping terorista.

Parehong nakadetine ang "mag-uyab," ang Bisayang salita para sa magkasintahan, sa Tagbiliran, Bohol.

Pero balak hilingin ni Dela Rosa na mailipat ang dalawa sa Camp Crame bilang itinuturing na silang "high-risk detainees."

"Kakasuhan natin siya, iyung criminal na kaso niya. And administratively, siguradong tatanggalin natin siya sa serbisyo," ani Dela Rosa.

Dela Rosa: Personal choice nila kung maglipat sila ng loyalty doon sa kabila, but they have to face the consequences. | @maan_macapagal pic.twitter.com/uFcA4qMzSg
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) April 24, 2017

Bukod kay Nobleza at Dongon, may kasama rin silang nahuli na isang matandang babae at isang menor de edad na konektado rin sa Abu Sayyaf.

Ang matandang babae, ayon kay Dela Rosa, ay may mga anak na asawa ng mga pinuno ng Abu Sayyaf na sina Zulkifli Abdhir alias "Marwan," Khadaffy Abubakar Janjalani, Abu Sulayman al-Muhajir at Ahmed Santos.

Ang menor de edad naman, aniya, ay anak ni Ahmed Santos.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang matanda habang dinala na sa Department of Social Welfare and Development ang bata.

Read More:
PNP
Philippine National Police
Abu Sayyaf
terrorism
bohol
terrrorist
Balik Islam
Superintendent Maria Christina Nobleza
Renierlo Dongon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT