Bus nahulog sa bangin sa Nueva Ecija, 26 patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bus nahulog sa bangin sa Nueva Ecija, 26 patay

Bus nahulog sa bangin sa Nueva Ecija, 26 patay

Danielle Rebollos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 18, 2017 07:51 PM PHT

Clipboard

(4th UPDATE) NUEVA ECIJA - Dalawampu't anim na pasahero ang namatay matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Nueva Ecija nitong Martes.

Kinumpirma ito ni Nueva Ecija Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Michael Calma.

Nasa dalawampu't isa naman ang sugatan sa insidente.

Dagdag pa ni Calma, kasalukuyan pa nilang kinikilala ang mga namatay sa insidente.

ADVERTISEMENT

Bandang 11:30 ng umaga nang mangyari ang aksidente. May lalim na 100 hanggang 150 talampakan ang bangin sa Barangay Capintalan, Carranglan kung saan nahulog ang bus na may sakay na tinatayang 60 katao.

Ngunit ayon kay Mayor Mary Abad, hanggang 45 lamang ang kapasidad ng bus.

Biyaheng Abra ang mini-bus na may tatak na Leomarick.

Dagdag pa ni Abad, accident-prone ang pinangyarihan ng insidente.

"Maraming bangin na dinadaanan, almost zigzag din 'yan, dinadaanan papuntang Isabela, Abra," aniya.

Hirap rin ang mga otoridad na mai-ahon ang mga biktima dahil matarik ang bangin.

Ayon naman kay Senior Superintendent Antonio Yarra, hepe ng pulisya sa probinsya, maaring abutin ng magdamag ang pagsagip sa mga biktima.

Dinala na umano sa mga malapit na ospital at funeral parlors ang mga biktima.

Ayon kay Dr. Arlene Jara, hepe ng Nueva Vizcaya Provincial Hospital, 13 ang dead on arrival sa kanilang ospital.

May 12 rin ang inilipat Veterans Regional Hospital sa Nueva Vizcaya, habang 14 na biktima ang nasa Nueva Vizcaya Provincial Hospital.

Dagdag pa ni Jara, maraming mga batang biktima sa insidente.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng aksidente.

Siniguro rin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pananagutin ang mga may sala sa insidente.

"We guarantee that the culprits behind the fatal bus mishap will be held accountable," ani Abella.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.