Simbahan, Catholic schools, pumalag sa panukalang pagbubuwis sa kanila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Simbahan, Catholic schools, pumalag sa panukalang pagbubuwis sa kanila

Simbahan, Catholic schools, pumalag sa panukalang pagbubuwis sa kanila

ABS-CBN News

Clipboard

Pumalag ang isang mataas na opisyal ng Simbahan at maging ang mga Catholic schools sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalin na ang exemption sa buwis ng religious groups at church-run institutions kapag inamyendahan na ang Saligang Batas.

Giit ng isang pinuno ng Simbahang Katolika, tila "paghihiganti" lamang ito ng pamahalaan sa pagtuligsa ng kanilang mga kritiko.

"Hopefully they (officials) are rational enough na before they do so, tingnan muna ang mga libro. Many times 'yung kanilang sinasabi ay out of revenge sa mga batikos sa kanila," ani Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Ayon naman sa Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na samahan ng Catholic schools sa bansa, ang perang nakokolekta nila ay napupunta rin sa operational expenses at pagpapabuti ng mga serbisyo sa publiko.

ADVERTISEMENT

"Catholic and religious educational institutions share in the government's duty in the youth, especially doon sa mga lugar na hindi naaabot ng mga tulong ng gobyerno," paliwanag ni Atty. Joseph Noel Estrada, legal counsel ng CEAP.

Kinukuwestiyon kasi ni Alvarez kung bakit hindi binubuwisan ang mga paaralang pinapatakbo ng Simbahan gayo'ng napakamahal umano ng matrikola rito.

Kahit si Senate President Aquilino "Koko" Pimentel, bukas sa ideya ni Alvarez.

Ang tax consultant na si Mon Abrea, naniniwalang puwede pang babaan ng Catholic schools ang kanilang tuition, pero hindi umano makatutulong ang pagbubuwis sa kanila.

"Will it help in making sure that there will be no discrimination, that anybody can go to those catholic schools? Kasi kung hindi, what’s the point na tax-an mo," ani Abrea.

Ang mga ganitong panukala ni Alvarez ang dahilan kaya duda si Pabillo sa motibo sa charter change.

"We are very much weary about amending the Constitution kasi nakikita natin na masyadong self-serving ang kanilang ginagawa . . . It’s not them giving us a favor. It’s the Church giving favor to the people, which the government should give and they are not able to give," ani Pabillo.

Ang dapat umanong gawin ng pamahalaan ay suportahan ang church-run institutions para bumaba ang tuition.

Dagdag ni Abrea, kung gusto talagang maka-kolekta ng malaking buwis, dapat unahin ang mas epektibong koleksyon ng kasalukuyang mga buwis.

--Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.