Pagligo sa Manila Bay, bawal na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagligo sa Manila Bay, bawal na

Pagligo sa Manila Bay, bawal na

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinagbabawal na ng awtoridad ang pagligo sa Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila kasunod ng insidente ng pagkalunod ng isang lalaki.

MANILA – Bantay-sarado na ng mga pulis ang kahabaan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard sa Maynila, matapos ang insidente ng pagkalunod ng isang 37-anyos na lalaki noong Linggo.


Mahigpit na ipinagbabawal na ngayon ang pagligo sa Manila Bay.

Mahigit 10 na rin ang nakaposteng mga pulis habang ang iba ay nagpapatrolya sakay ng kanilang motorsiklo.

Katulong din ng mga pulis sa pagbabantay at pananatili ng kalinisan sa lugar ang mga tauhan ng Department of Public Services ng Manila City Hall.

Pinaalis na rin ang lahat ng illegal vendors sa kahabaan ng Roxas Boulevard, pati na ang mga natutulog sa bangketa at mga behikulong nakaparada ng ilegal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.