Lalaki nalunod sa Manila Bay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nalunod sa Manila Bay
Lalaki nalunod sa Manila Bay
ABS-CBN News
Published Apr 08, 2018 03:57 PM PHT

Sa Maynila, isa ang patay matapos malunod kaninang umaga. Ayon sa Malate PNP nagkayayaan ang magkakapitbahay na mga nakainom umano para mag-swimming sa Manila Bay. š· Flaviano Gacal pic.twitter.com/s18776S5oW
ā Kevin Manalo (@Kev_Manalo) April 8, 2018

Isang lalaki ang patay matapos malunod sa Manila Bay nitong umaga ng Linggo.

Kinilala ang ang biktima na si Cristopher Ian Torres, 37 anyos.

Ayon sa pulisya, nakainom ang grupo ni Torres at nagkayayaang lumangoy sa Manila Bay sa may bahagi ng Baywalk pasado 6:00 a.m.

Ayon sa imbestigador na si Senior Police Officer 3 Flaviano Gacal, kahit may bantay ay marami pa rin ang "sumasalisi."

ADVERTISEMENT
"Kahit may pulis, 'pag talikod, lumalangoy sila doon. Noon pa man mahigpit na pagbabantay diyan sa Baywalk," ani Gacal.

Maaaring makulong ng hanggang isang buwan at pagbayarin ng multang P500 hanggang P1,000 ang sino mang mahuhuling lumalabag sa ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa paglangoy sa naturang katubigan.

Nagpaalala ang pulisya sa publiko na humanap na lang ng ibang pampublikong palanguyan sa halip na isugal ang buhay sa Manila Bay.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT