ALAMIN: Mga responsibilidad ng kapitan ng barangay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga responsibilidad ng kapitan ng barangay

ABS-CBN News
Published Apr 05, 2018 10:30 PM PHT
|
Updated Apr 05, 2018 10:49 PM PHT

Malaki umano ang hinahawakang responsilibidad ng mga barangay chairman, ayon sa isang opisyal ng gobyerno.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, tinalakay ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ang trabaho ng mga kapitan at iba pang opisyal ng barangay.

"Ang barangay ang first line of defense ng gobyerno. 'Pag nag-barangay captain ka, hindi biro-biro 'to, 24/7 ka dito. Ito lang ang government official na 'di 8-5 ang pasok dahil inaasahan ka ng mga constituent mo 24 hours," sinabi ni Diño.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan ay magdamag na bukas ang mga barangay hall dahil dito unang tumatakbo ang mga tao.

ADVERTISEMENT
"'Yung barangay government talaga ay napakarami ng dapat mong asikasuhin. Lahat ng anggulo ng pamamalakad ng buong Pilipinas, under the shoulder of barangay captain," ani Diño.

Saklaw din aniya sa trabaho ng mga barangay chairman ang tatlong sangay ng gobyerno.

"Ikaw ang executive, ikaw ang magpapatupad ng ipapasa niyong batas saka mga ordinansa na ginagawa ng siyudad. Ikaw din ang legislative dahil ikaw ang head ng barangay council. Ikaw din ang judiciary, 'pag merong nag-aaway, ikaw ang head ng lupon," paliwanag ng opisyal.

Mas mataas umano ang posisyon ng mga barangay captain at kagawad sa mga pulis.

Ayon kay Diño, tinatawag na "person in authority" ang mga kapitan at kagawad, habang "agent of a person in authority" naman ang tawag sa mga pulis.

Samantala, ang mga tanod naman ang unang lumalaban sa mga kawatan sa barangay.

Barangay sa probinsiya
Bagama't pare-pareho ang trabaho ng lahat ng mga barangay official sa bansa, hindi umano pantay-pantay ang natatanggap nilang kompensasyon.

"Hindi compensated ang barangay, lalong-lalo na sa probinsiya, dito sa Metro Manila okay lang, dahil dito sobrang lalaki ng pondo, pero sa probinsiya, kawawa, pero pareho kami ng trabaho, pareho ng trabaho ng kapitan, kagawad at barangay tanod," sabi ni Diño.

Ayon sa opisyal, nasa P600 lang ang suweldo ng mga barangay tanod sa probinsiya habang may mga tanod sa lungsod na kumikita ng P12,000.

Depende naman sa populasyon at lawak ng lupain ang pondong nakukuha ng isang barangay.

Ayon kay Diño, ipinanukala ni dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang Magna Carta ng barangay na naglalayong gawing pantay ang kompensasyon ng mga opisyal ng barangay.

Ngunit nakabinbin pa rin ito.
Ngunit nakabinbin pa rin ito.
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
batas kaalaman
DILG
Martin Diño
barangay
barangay chairman
government
kapitan
kagawad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT