SC, magdaraos ng 'oral arguments' para sa quo warranto vs Sereno | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SC, magdaraos ng 'oral arguments' para sa quo warranto vs Sereno

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2018 08:58 PM PHT

Hindi agarang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na mapawalang bisa ang pagkakatalaga o appointment ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Bagkus, nagpatawag ng oral arguments sa susunod na linggo ang Korte Suprema, taliwas sa nais ng kampo ni Sereno na "outright dismissal" sa petition for quo warranto dahil tanging impeachment lang umano ang makapagpapatalsik sa kaniya sa puwesto.

Diringgin sa oral arguments ang panig ni Sereno at ng OSG, na humiling na mapatalsik siya sa puwesto dahil sa hindi paghahain ng Statements of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN).

Sa argumento ng OSG, mula sa simula ay hindi karapat-dapat na maupong punong mahistrado si Sereno dahil sa hindi niya pagsusumite ng 10 taong SALN noong 2012.

Iniutos din ng Korte Suprema na dumalo mismo si Sereno at hindi lang magpadala ng mga abogado para personal na sagutin ang tanong ng mga mahistrado.

Ibinasura naman ng Korte ang hiwalay na hiling ng mga mambabatas mula Makabayan bloc sa Kamara at grupo ni dating Pag-IBIG Fund chief executive officer Mel Alonzo na makisali sa quo warranto case.

"Noted" lang naman ang kaparehong mosyon ng Integrated Bar of the Philippines at hindi rin pinayagan.

Matatandaang kinontra ng OSG ang tatlong motion for intervention sa dahilang walang legal na personalidad at interes sa kaso ang mga ito.

--Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
SC
Supreme Court
oral arguments
quo warranto
SALN
Office of the Solicitor General
Chief Justice
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT