Kahalagahan ng Sakramento ng Kumpisal, ipinaalala | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kahalagahan ng Sakramento ng Kumpisal, ipinaalala

Kahalagahan ng Sakramento ng Kumpisal, ipinaalala

Hazel Salas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 02, 2019 10:00 PM PHT

Clipboard

Ipinaalala ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng pangungumpisal upang talikuran ang mga nagawang kasalanan at makapagbagong-buhay.

PUERTO PRINCESA CITY - Bukod sa pagdarasal at pagninilay-nilay sa panahon ng Semana Santa, hinikayat nang Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na mangumpisal.

Naniniwala ang simbahan na kapag isinagawa ang Sakramento ng Kumpisal ay maipapakita ang lubos na pagsisisi.

“Nakakalungkot na marami na ang nakakalimot na gawin ito,” ayon kay Fr. Casiano Cosmilla.

Nilubos naman ng mga Katoliko ang kumpisalang bayan noong Huwebes Santo sa Mt. Calvary na isa rin sa pinakamatagal na pilgrimage site sa Puerto Princesa.

ADVERTISEMENT

Sa pamamagitan umano ng pag-kumpisal ng mga kasalanan sa pari ay naipapakita ng isang indibidwal ang hangarin nitong mag bagong buhay at talikuran ang mga kasalanang nagawa.

“Ibig sabihin niyan ay lubos na nagsisi ang isang tao at handa na siya,” paliwanag ni Fr. Cosmilla.

Pagkatapos mangumpisal ay asahan umano ang penitensya at parusa sa pamamagitan ng pagdarasal.

“Spiritual na parusa ang ibinibigay natin tulad ng pagdarasal ng Our Father, Hail Mary,” sabi niya.

Isa sa mga nangumpisal noong Huwebes Santo ay si Bebit Palao kung saan inihingi niya ng kapatawaran ang anak na hindi naipagamot at pumanaw na.

“Lagi ko kasi siya napapanaginipan, sabi kay Father ipagdasal na patahimikin niya na ako,” ani Palao.

Paalala naman ni Fr. Cosmilla sa mga katoliko na ang pangungumpisal ay mahalaga sa buhay ng isang katoliko at hindi dapat kalimutan habang buhay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.