Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi

Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 25, 2018 06:42 PM PHT

Clipboard

Nalapnos ang balat sa kili-kili ng isang 18 anyos na babae sa Victoria, Tarlac matapos umanong gumamit ng ipinagbabawal na whitening product.

Ayon kay Ranz Harley, kapatid ng biktima, bumili ng Goree Beauty Cream ang kanilang ina mula sa kakilala nitong isang online seller.

Sa unang paggamit pa lang umano ng produktong pampaputi ay nangati na ang bahaging pinagpahiran. Makaraan naman ang dalawang araw ay nagkapantal na ito.

Hindi batid nina Harley na banned o ipinagbabawal pala ang Goree dahil marami umano ang nagbebenta at gumagamit nito.

ADVERTISEMENT

"Kasi 'yong iba effective naman daw po sa kanila," sabi ni Harley sa panayam ng ABS-CBN News.

"'Yong ibang nag-chat po sa akin matagal po silang user then nung nag-stop sila, doon lumabas 'yong negative effect [na] same sa kapatid ko, na makati daw at namumula," dagdag niya.

Naglabas noong Oktubre ng abiso ang Food and Drug Administration laban sa paggamit ng mga produktong Goree dahil sa mataas na antas ng mercury, isang mapanganib na kemikal, na nilalaman nito.

Wala naman umanong balak na magsampa ng reklamo sina Harley laban sa nagbenta ng produkto sa kanila.

"Sana next time sa mga online sellers, maging lesson din sa kanila na puwede silang makasuhan kung sa ibang tao nangyari ito," aniya. "Dapat aware sila kung safe ba ang mga binebenta nila para hindi sila nakakapinsala sa ibang tao."

Nilapatan na ng gamot ang nalapnos na balat ng babae matapos magpakonsulta sa dermatologist. -- Ulat nina Zhander Cayabyab at Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.