SOCO: Katutubong Aeta na 'nambato' ng aso, binaril sa ulo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SOCO: Katutubong Aeta na 'nambato' ng aso, binaril sa ulo

ABS-CBN News
Published Mar 17, 2018 03:09 PM PHT

Nakatira ang pamilya Bulatao sa isang tahimik at payak na komunidad ng mga katutubong Aeta sa Sitio Baculi, Brgy. Cadmang, Cabangan, Zambales at pagtatanim ang pangunahing pinagkukuhanan nila ng kabuhayan.

“Nagtatanim kami ng sariling gulay. ‘Yun po ang ititinda namin sa bayan,” kuwento ng maybahay na si Agustina Bulatao.

“Araw-araw po ‘yan. Wala akong hinto ng pagtitinda ng gulay. Kung wala po akong maibaba na gulay, aangkat na lang po ako para lang po [makakain] ang mga anak ko.”

Nagsilbing haligi ng pamilya ang 26-taong gulang na anak niyang si Bobby simula nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama.

ADVERTISEMENT
“Kung nakikilupa siya, binibigay niya sa akin ang mga [kita] niya,” pag-alala ni Agustina. “Pati na ang mga kapatid niya. Lahat ng [kailangan] binibigay niya sa mga kapatid niya.”

Bagama't hindi nakapag-aral ang binata, nagsumikap ito para maitaguyod ang pamilya.

“Siya po ang tumutulong, at nagpapaaral po siya eh. Ilan po ang pinapaaral niya, tatlo.”

Pero nitong Pebrero 16, naging biktima ng isang krimen si Bobby.

Alas-10 ng gabi nang magpaalam si Bobby sa kaniyang ina.

“Humingi pa nga ng P20 sa akin eh. Sabi, ‘Nay, pahingi ng P20. Pambili ko ng sigarilyo.’”

Bandang alas-11 ng gabi nang rumesponde ang grupo ni SPO3 Jeffrey Arquero malapit sa kanilang lugar kung saan inabutan nila si Bobby na halos wala nang buhay.

“May tama sa ulo. Humihinga pa po siya, pero konti-konti na lang,” ayon kay Arquero.

Nadatnan rin ng grupo ang isa pang lalaki na malubha ang kalagayan.

“Naririnig po naming umuungol at nanghihingi ng tulong. Nakatagilid po siya at hinahawakan ang tiyan.”

Dinala sa ospital ang dalawang biktima, ngunit hindi na nakaabot nang buhay si Bobby sa ospital.

“Pagdating ko po [sa ospital], nakatalukbong na siya ng kumot,” pag-alala ni Agustina. “Kasi magulang po ako, makikita mong ganon, nakatalukbong ang anak mo.”

Base sa post-mortem examination, isang tama ng bala sa ulo ang direktang ikinamatay ng biktima.

“Sabi ko, para silang hayop na pumatay ng tao na walang kalaban-laban. Hindi matino ang pag-iisip nila.”

Sa imbestigasyon, napag-alamang nadaan ang grupo ni Bobby sa isang bahay kung saan pinagbintangan sila na nanggulo sa isang alagang aso.

Sino nga ba ang responsable sa naturang pamamaril kina Bobby at kasama nitong lalaki? Panoorin ang buong kuwento sa “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado, 4:15 p.m. pagkatapos ng “Ipaglaban Mo!” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang “SOCO” sa Facebook (www.fb.com/SOCOtv) at Twitter (www.twitter.com/SOCOtv).

--Ulat ni Toph Doncillo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT